[Video] Jessa, pinatawa at pinasaya nang sobra ni Maymay

Mga imahe mula sa Instagram account ni @iamjessaz13

Kitang-kita sa mukha ng Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza kung gaano ito napatawa at napasaya ng Mayward other half na si Maymay Entrata.

Sa Instagram, ibinahagi ni Zaragoza ang video at ilang larawan mula sa unang pagkikita nila ng popular young actress, na sobrang fan pala talaga niya.

“I love you, too, @maymay! Sobrang nakakatuwa itong batang ito at napaka-humble! Thank you for appreciating my music,” pagbabahagi ni Zaragoza tungkol sa napagkuwentuhan nila ng former Pinoy Big Brother housemate.

“‘Bakit Pa’ raw ang kinanta n’ya sa audition,” dagdag pa niya.

Narito ang video at mga larawan ng pagkikita nina Zaragoza at Entrata:

Source :

Instagram

Loading...