[Video] Kilalanin ang cute na batang kumasa sa ‘Biskwit Challenge’ ni Kuya Wil

Mga imahe mula sa YouTube video ng GMA Public Affairs

Siya pala ‘yun!

Naimbitahan na kamakailan sa Wowowin ang isang napaka-cute na viewer na si Hailey Nicole Custodio; ang tatlong taong gulang na batang nag-viral matapos gawin ang “Biskwit Challenge” na sinimulan ng host na si Kuya Wil.

Ayon sa pinsan ni Hailey na si Ella, nanonood sila ng Wowowin noong sinabi ng paslit na nais niya ring gawin ang challenge. Dahil tuwang-tuwa at mukhang gustung-gusto talagang gawin ng bata ang challenge, pinagbigyan ito ni Ella.

“Kaya lang iyong unang try po namin, dumikit po kasi pawis na pawis po siya,” kuwento ng dalaga.

Ngunit sa ikalawang pagkakataon, nagtagumpay din sa wakas si Hailey.

Halos apat na libo ang bumuhos na komento sa videos ng batang nakakatuwa.

“Nakakatawa talaga batang toh.. Heje. sarap kurotin pisngi niya.”

 “Ilabyu baby.. pinasaya mo talaga ang araw ko today! super love na kita tuloy.”

“Hello po ang cute mo baby hehe hinanap ko talaga fb mo ella hehe. Para makita yung vid ni baby.”

Umabot sa mahigit dalawang milyon ang views na nakuha ng video at halos 40,000 na ang shares.

Sinadya ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang paslit.

Katulad ng dinalang tuwa nito sa pamilya ay patuloy itong nagbibigay ng saya sa mga nagmamahal sa kanya. Likas daw na bibo at masayahin na bata si Haley kahit na ipinanganak itong mahina.

Source :

YouTube, Facebook

Loading...