Worst LTO Branch nga ba? Netizen naghimutok sa mala-delubyong pagkuha ng lisensya

Images via Desmond Dalawon's Facebook post

Sa Facebook post na ibinahagi ni Desmond Dalanon, isang netizen, ay inilahad niya ang tila penitensiyang pagkuha ng lisensya sa LTO Pila, Laguna na umaabot ng dose oras at tinawag niyang mala-delubyo.

“Kung makupad ang LTO Tayuman Manila, X10 ang kupad ng LTO Pila Laguna as in delubyo.”

“WORST LTO BRANCH!!”

Aniya, dose oras ang pagkuha ng lisensya sa branch na nabanggit at kailangan mong pumila ng mga bandang alas 4 ng umaga pa lamang. Bakit? Pagkat “Cut off agad pagkabukas na pagkabukas nila ng 8am.”

Walang kuwenta umano ang numerong ibinibigay pagkat hindi naman lumalabas sa screen ang mga numero; de tawag lamang. Dagdag pa niya, “siyempre para nga naman maisingit nila ang galing sa fixer.”

Ibinahagi rin ni Dalanon na 8 steps ang iyong dadaanan sa pagkuha ng student to non-professional or professional license at inaabot ng isa hanggang dalawang oras ang bawat step. Bukod umano ang pila para dito at ibang pila ang para sa student at renewal.

Ang siste, nakakuha sila ng kasama niyang si Johanna ng number 74, ngunit may kadarating lang na babae na wala pang number ngunit sa kinalabasan ay biglang nagkaroon at nauna pa sa kanila. May palakasan ba?

Aniya sa larawan: “Walang kwenta ang number nakakasingit ang may fixer. Ni hindi lumalabas ang number dyan, puro tinatawag lang. Check the time.”

Check the time
Check the time

Himutok ni Dalanon, 5:30 am sila pumila at alas dos na ng hapon napicturan at nakapirma. Kinuwestiyon ng kanyang kasama kung paano nauna iyong babae at paano nagka-number.

Nabanggit rin niya na may nasawi na kumukuha rin lang ng lisensya sa branch na nabanggit dahil sa atake(sa puso?).

“Gutom at inis, manggigigil ka talaga, di ko lang navideohan ang pagtalak niya lol. Pero ayun nga may inatake at nag-collapsed baka siguro mas nauna pa siya samin at baka di pa kumakain or sakto lang pera nya,” patuloy na paglalahad nito.

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »

Loading...