[Viral video] Angelica kay ‘Baby’ Sam: Aawayin ko lahat ng magpapaiyak sa ‘yo

Mga imahe mula sa Instagram accounts na @gelina0531 at @samgelica11

Isang sweet na mensahe ang ibinahagi ng aktres na si Angelica Panganiban para sa kaarawan ng aktor na si Sam Milby.

Sa Instagram, ibinahagi ni Panganiban ang video ng kulitan nila ni Milby. Dito, inilakip niya ang birthday message niya

“Happy birthday, Baby! I wish you all the happiness and peace and love that you super deserve,” aniya.

“Kung hindi sa ‘kin galing ‘yung happiness, peace, and love, tanggap ko. Basta, happy ka, Baby! Lagi lang akong nandito. Aawayin ko lahat ng magpapaiyak sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Mga imahe mula sa Instagram video ni Angelica Panganiban
Mga imahe mula sa Instagram video ni Angelica Panganiban

Marami ang kinilig sa video at sa mensahe. Hiling nila, maging magkasintahan na lang sana ang dalawa.

“Wow, bagay sila! Kayo na lang,” ani @jozelnavz.

“Bagay na bagay kayo. I hope and pray na sana kayo ang magkatuluyan,” wika ni @nothingbeatsprayers.

“@samuelmilby ligawan mo na si Angge,” pang-uudyok ni @he4rtbe4t13.

“Ikaw, @iamangelicap, ang hinihintay kong greetings for @samuelmilby. Ano man ang tadhana para sa inyo, wish ko lang manatiling maganda ang samahan n’yo. Kung sa simbahan man ang tuloy, ang hiling ko’y panghabambuhay na pagmamahalan para sa inyong dalawa,” kumento ni @iambrutallyfrank.

Imahe mula sa Instagram account ni @gelina0531
Imahe mula sa Instagram account ni @gelina0531

As of posting, nakakuha na ng mahigit isang milyong views ang video. Narito:

Source :

Instagram

Loading...