‘Walang maiiwan’: College barkada, ‘isinama’ sa pag-graduate ang nawalang kaibigan

Mga imahe mula sa Twitter accounts nina @AraPeeee at @gianpatcruz

Marami ang naantig sa ginawa ng isang college barkadahan matapos nilang “isama” sa pag-graduate ang kaibigang kinuha na sa kanila ng langit.

Sa Twitter, ibinahagi ni Ara Pineda ang ilang larawan na kuha sa pagdalaw nila sa himlayan ng kanilang mabuting kaibigan na si Arman John Marcelo.

“Bro, graduate na tayoooo! Woooh!” saad ni Pineda sa caption ng larawan.

Untitled

Makikita sa mga litrato na sinuotan nila ng graduation attire ang larawan ni Marcelo.

Samantala, ini-upload naman ni Gian Cruz ang larawan mula sa araw ng kanilang pagtatapos — kung saan binitbit nila ang larawan ni Marcelo.

“Ohana means family. No one gets left behind or forgotten,” wika niya sa caption ng litrato. Nilakipan niya ito ng hashtag na #OurManGoesToPICC.

Untitled

Marami ang naantig sa ginawa ng magkakaibigan.

“Hala, so sweet. Nakakaiyak to!” ani M.

“Naiyak ako, Ate P. Huhuhuhuhu ang cute ninyong lahat and congrats. You deserve it,” wika ni KM.

“Hoy, kaiyak,” sabi ni D.

Mahihinuha mo na kung gaano kalalim ang pagkakaibigan nila; walang limutan.

Source :

Twitter, Twitter

Loading...