Wow mali! Larawan ng bata na naglaro ng lipstick kinaaliwan ng mga netizens

Mga larawan mula sa Facebook account ni Wella Wewel

Viral ngayon sa social media ang larawan ng isang sanggol na may nagkalat na mapulang bagay sa mukha, kamay, at katawan nito — dahil sa lipstick!

Isinalaysay ng Facebook netizen na si Wella Wewel ang nakatutuwang anekdota. Kuwento niya, dinadampot at pinaglalaruan ng kanyang baby ang kanyang mga make-up kaya itinago niya sa drawer. Pinatulog niya ito at nakatulog din naman siya. Naalimpungatan umano ang nanay na netizen at laking-gulat niya nang makitang may bahid-pula ang mukha, kamay, at katawan ng kanyang anak na inakala niyang napaano na.

Yv’s Prank #1: How to give your mom an instant cardiac arrest

*Sinaway ko sya kasi pinapakealaman nya yung drawer ko na may mga make-ups, kinuha ko yung mga nilaglag nyang gamit ko sabay isinara ko na yung drawer. Binigay ko yung feeding bottle nya tapos pinatulog ko na sa tabi ko. Tahimik na sya antok na, Ako naman nakaidlip na. Tapos naalimpungatan ako, pag dilat ko tumambad sakin yang muka nya yan dim lighted pa yung kwarto tsaka di ko nakita agad yung lipstick, tapos tulog na tulog pa sya.

Halos madapa-dapang tinakbo ng nagulat na ina ang switch ng ilaw upang mamasdang maigi ang nangyari sa anak. At ang tumambad sa kanya — mapulang mukha, kamay, at katawan ng kanyang anak dahil sa lipstick, na maaaring kinuha nito matapos siyang makaidlip sa pagbabantay rito. Nasabi tuloy ng netizen na “masarap maging ina pero minsan ay nakakabuwang o nakakaloka rin.”

Juicecolored talaga muntik na ko himatayin, madapadapa ako tumakbo sa switch ng ilaw tsaka ko nakita yung lipstick ko durog durog na tsaka yung lahat ng ginawa nya sa sarili nya. KULITAY KA TALAAAGAAAA!!
Muntik na tumakas kaluluwa ko isa kang delubyo hahaha pero love na love kita T_T pahirapan nanaman si Mamama maglaba ng mga pinag mantsahan mo

*Masarap maging ina pero minsan nakaka-buang din*

Hindi naman inakala ng netizen na magva-viral ang larawan ng kanyang anak na maayos naman sa kasalukuyan.

Si Yvanna na walang kamalay-malay na nag-viral na yung kakulitan nya, we love you Baby Yv!

Loading...