Zahra Bianca Saldua, pinasalamatan ang mga organizers sa paggalang sa kanyang religion practices

Mga larawan mula sa Facebook account ni Zahra Bianca Saldua

Pinasalamatan ni Miss Earth Philippines-Air 2018  Zahra Bianca Saldua, ang mga organizers ng nasabing prestihiyosong pageant dahil iginalang nito ang kanyang mga paniniwala at practices ng kanyang relihiyon, ayon sa panayam ng ABS-CBN matapos ang coronation night na ginanap noong May 19, 2018 sa SM Mall of Asia Arena.

“I’m very, very happy that Miss Earth was able to understand my beliefs and they didn’t restrict me on anything. And also the designers, I’m so happy that they also gave me some considerations,” pahayag ni Saldua na isang half-Filipina, half-Palestinian.

Ayon kay Saldua, matindi ang kanyang pinagdaanan para lamang sa paghahanda sa naturang pageant.

“My preparation is the same as anybody else; physically, mentally and emotionally. Hopefully we will continue this journey together as queens. Thank you again to Miss Earth for helping me express myself and my religion as well,” dagdag ni Saldua.

Si Saldua ay 26 na taong gulang mula sa Las Pinas City. Noong 2013, siya ang itinanghal na Miss World second princess.

Imahe mula sa Facebook page ni Zahra Bianca Saldua
Imahe mula sa Facebook page ni Zahra Bianca Saldua

Hindi na bago kay Saldua ang pagsali sa mga beauty pageant sa kabila ng kanyang relihiyon. Sa paglahok sa Miss Earth Philippines, adbokasiya niya ang pangangalaga sa tubig at “eco-prenuership.”

Ang Eco-preneurship ay  terminong tumutukoy sa paghikayat sa mga mamamayang umisip ng mga posibleng mga solusyon na magdudulot ng kapakinabangang pangkabuhayan at pangkapaligiran.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Halimatu Yushawu ng Titay, Zamboanga Sibugay bilang  Miss Eco-tourism,  Jean de Jesus ng San Rafael, Bulacan bilang Miss Earth Philippines-Fire, at Berjayneth Chee ng Balingasag, Misamis Oriental bilang Miss Earth Philippines-Water. Ang itinanghal na Miss Philippines-Earth 2018 naman ay si Silvia Celeste Cortesi mula sa Roma, Italy.

Loading...