2-dekadang aktres na si Empress, ayaw pag-artistahin ang anak

Mga imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Mahigit dalawang dekada na ring bahagi ng industriya ng showbiz ang 25-year-old actress na si Empress Schuck ngunit kung siya ang papipiliin, ayaw daw niya na sumunod sa yapak niya bilang aktres ang kanyang anak na si Athalia.

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Ayon sa PEP, matapat na sinabi ni Schuck na mas gusto niya ang isang normal na buhay para sa anak niya sa kanyang partner na si Vino Guingona.

“Sa totoo lang, ayoko (na maging artista siya). Huwag na lang anak, maging normal ka na lang,” saad ng aktres na nagsimula bilang isang child star sa Oka Tokat noong 1997.

Gayunman, kung ang pag-arte rin ang magiging passion ng kanyang anak, na isinilang noong 2015, sa paglaki nito ay hindi raw siya magiging hadlang sa pangarap nito.

“Pero kung talaga i-ano niya sa akin na, ‘Hindi, passionate ako,’ why not? Pero siyempre kailangan may rules and regulations pa rin, at saka patapusin muna natin mag-aral kasi ako hindi ko natapos ‘yung studies ko. Hindi ko natapos ‘yung college,” saad niya.

“So ako, gusto ko i-provide everything for her kasi parang ‘yun ‘yung hindi ko na-experience dati,” dagdag pa ng aktres.

Imahe mula sa YouTube video ng ABS-CBN Entertainment

Balikan. Ang mga papel na ginampanan ni Schuck:

Ang masayang pamilya nina Schuck at Guingona: