’90s feels’: Ex-couple Carlo at Angelica, pinakilig ang libu-libong fans

Mga imahe mula sa Instagram account ng @cargel_official at ni @jose_liwanag

Pinakilig ng 1990s love team at ex-couple na sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang libu-libong CarGel fans matapos silang mag-post ng sweets photos nilang dalawa.

Sa Instagram, kapwa nagbahagi ng mga nakakakilig na larawan ang dating teen stars.

“Anghel sa lupa. 6/14/18,” saad ng caption ng litratong ini-upload ni Aquino.

Imahe mula sa Instagram account ni @jose_liwanag

As of posting, nakakuha na ito ng mahigit 114,000 favorites.

“Reunited and it feels so good,” wika naman ni Panganiban sa kanyang post.

Imahe mula sa Instagram account ni @iamangelicap

Lampas 265,000 katao na ang nag-favorite sa larawang ito, as of posting.

Marami rin ang nag-iwan ng komento sa mga post nina Aquino at Panganiban.

“Nagseselos ako pero kinikilig talaga ako sa inyo huhuhu hahaha,” ani @melodyoosa.

“Oh my God! Tumalon ang puso ko sa sobrang kilig sa inyong dalawa. God bless both of you. Just keep the friendship para mas lalong may forever,” wika ni @ericel27.

“Batang 90s magsilabasan na kayo! Hahahahhaha! Kilig level 999999999999999999999999,” kumento ni @fearlesspinay.

“90s kid feeels,” sabi ni @neverinmywildastdreams.

Marami rin ang humiling na sana ay magkabalikan na ang dalawa ngayong pareho na silang malaya.

“KAYO NA LANG KASI ULIT! ANO BA, DAMI N’YO ECHOS SA BUHAY, EH,” all caps na comment ni @katy_cats84.

“Wow, abangers ako rito kung ano’ng next sa kanila. Sana sila na lang para maniwala na ako na may forever,” sabi ni @lippy_nipskievhan.

“OMG. Sana kayo na lang ulit! Baka kayo talaga para sa isat isa,” saad ni @jannettegonz.

Matapos maghiwalay bilang magkasintahan, nanatiling magkaibigan ang dalawang Kapamilya stars na unang naging magkatrabaho noong mga child stars pa lang sila.