ABS CBN nagsalita na hinggil sa posibleng pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa network

Image capture from John Lloyd Cruz Facebook account

Nagsalita na ang ABS CBN hinggil sa pagbabalik diumano ng aktor na si John Lloyd Cruz sa network.

Image may contain: 1 person, suit
Image capture from Kapamilya Online World Facebook account

Ayon sa spokesperson ng ABS CBN: “There is no truth to the reports that John Lloyd Cruz approached ABS-CBN to request that he return to work, and that the network turned him down.

Kasalukuyang indefinite leave ang status ni Cruz sa ABS CBN simula pa noong October 2017.

Sa kabila ng pagliban sa showbiz ay naging usap-usapan pa rin si Cruz dahil sa diumano’y anak niya na ipinagbubuntis ng aktress-model na si Ellen Adarna.

Itong linggo lamang ay may mga naiulat na babalik na sa Kapamilya network si Cruz.

Itinanggi nga ito ng ABS CBN ngunit sinabi nitong bukas pa rin ang network para kay Cruz.

“John Lloyd is still on an indefinite leave to attend to personal matters.

“ABS-CBN values its strong relationship with John Lloyd built through the years.

“ABS-CBN’s doors are always open to John Lloyd, and he will always be a Kapamilya.”

Source :

ABS CBN, ABS CBN, PEP

Loading...