‘Albinong’ ipis na kumain umano ng Glutathione kaya pumuti, kinatuwaan sa social media

Image capture of Nelts Cardano's post via Facebook account

Isang Facebook post ni netizen Nelts Cardano ang kasalukuyang umagaw sa atensyon ng maraming social media users.

Labis itong kinatuwaan ng mga online users, lalo pa’t napapanahon pagkat maraming nagnanais pumuti at tumatangkilik ng iba-ibang produkto na pampaputi.

Ayon sa joke post ni Cardano ay nakakita siya ng ipis at naisip niyang baka may albinism na kondisyon ito; na kulang ang melanin production ng arthropod na nilalang. Hanggang sa natuklasan umano niya na kinakain pala ng ipis ang isang uri ng glutathione capsule (na kilala sa online market) sa kanyang aparador.

Image via Albino Ipis Facebook account

Pabiro niyang idinagdag na ang ipis na puti ay “a living testament”.

Aniya: “May nakita akong ipis kahapon, first thing that came across my mind was albino yung ipis, kulang yung melanin production nya. And then I found out the most bizarre discovery. Pinapapak nya pala yung (brand name) sa aparador. Guys, epektibo ang (brand name). Mag member na kayo sa (company). That piece of a creep is a living testament.”

Sinabi rin niyang hindi kanya ang mga larawan; nangangahulugan na hindi niya iyon sariling kuha.

Kung lilimiin, ang kanyang post ay isang joke post na hindi dapat seryosohin pagkat ito’y isang simpleng post lamang na napagkatuwaan niya at hindi niya sukat akalain na magva-viral. Kaya sa mga nag-a-ad hominem diyan, relax lang. Walang personalan. Hindi siya konektado sa brand na kanyang nabanggit.

Aniya sa isa pang post, “why do you have to suck the fun out of everything ha? Ba’t nyo ba seseryosohin ang simpleng post ha?”

Image via edicionesdigitales.info

Para sa mga nagtatanong kung may albino nga bang ipis, ito po ang kasagutan.

Fresh from molting pa lang ang ipis na kulay puti. Kapag tumigas na ang exoskeleton ng ipis, babalik na ito sa kanyang karaniwang kulay na kadalasan ay black-brown.

Loading...