All glory to God! Valerie Concepcion, proud sa kanyang pagtatapos sa kolehiyo

Image capture from Valerie Concepcion Instagram account

I never give up!

Ito ang linya ng mga taong hindi bumibigay sa anumang pagsubok na dumarating sa kanyang buhay.

Napakasarap ding bigkasin kung alam mong lahat ng mga hadlang upang makamit ang mga pangarap ay iyong nalagpasan.

Ganito rin ang naging pahayag ng aktres na si Valerie Concepcion nang makapagtapos siya sa kolehiyo.

Sa Instagram post ni Valerie, proud na ibinahagi niya ang kanyang graduation picture.

Ito ay may caption na:  “I want to thank my loved ones who supported me and pushed and inspired me to finish my studies. I am so so so happy to finally have a degree! ALL GLORY TO GOD!”

Image capture from Valerie Concepcion Instagram account

Nagtapos ang 30-anyos na si Valerie ng BA Psychology sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng Arellano University.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sinabi ng teenager na anak ni Valerie na pinagsumikapang matapos ng aktres ang kanyang pag-aaral lalo na’t marami pa siyang ibang obligasyon.

Bumaha naman ng pagbati ang pagtatapos na ito ng Valerie  mula sa mga netizens.

Congratulations!