Bilang tanda ng public service, retiradong pulis tumalon mula sa Quiapo bridge

Image capture from Roselyn Santos Muros Facebook account

Isang retiradong pulis ang tumalon sa Quiapo bridge bilang tanda ng kanyang pagreretiro at paglilingkod sa bayan.

Sa Facebook post ng Roselyn Santos Muros, ibinahagi ang aktwal na pagtalon ng pulis sa ilog.

Eto Po si SPO3 RODOLFO ARELLANO . ( Tata Pong ng Quiapo )

Tumalon sa tulay tanda ng kanyang Pagreretiro at Paninilbihan sa tao. Bilang pangarap niya at pangako sa sarili ay kanyang tinupad .  :))

Thanks god kahit medyo nerbyos kaming pamilya mo success nman po ung pangarap mo.”

I-click lamang ang larawan ni Roselyn Santos Muros Facebook account upang mapanood ang video

Sa video ay mapanonood ang pagbuwelo ni Tata Pong sa tulay bago tumalon. Suot nito pa nito ang helmet at puting t-shirt.

Dahil nga isang alagad ng batas at sanay sa anumang klase ng bakbakan tila naging madali naman sa kanya ang pagtalon sa ilog.

Umani naman ng pagsaludo si Tata Pong sa nga netizens at mga kapwa pulis nito dahil sa hindi matatawarang pagsisilbi sa taumbayan.

“I salute you,Sir, you stand by your word,,,live a happy, healthy civilian life after blood, sweat and tears you endure in your profession.”

“Thanks for the service you gave to your country…. Goodspeed.”

“Congratulation sir..enjoy your retirement..goodbye tension and big hello for pension.”

Maligayang pagreretiro po, Tata Pong!

Source :

Facebook

Loading...