Bill deposit kasama ang tubo, ilalagay sa monthly electricity bill ng Meralco

Imahe mula sa Manila Republic

Nasa ilang bilyong piso na ang pondo ng mga consumers ng kuryente ang nasa Meralco dahil sa bill deposit.

Nanawagan ang grupong Laban Konsyumer na dapat makita sa buwanang electricity bill ang halaga ng depositong ibinayad ng consumers at kung magkano na ang tinubo nito.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Atty. Vic Dimagiba na kung magkano ang kinikita ng average weighted capital ng Meralco ay ganoon din dapat ang kitain ng bill deposit ng mga consumers.

“Kung ano ang kinikita ng average weighted capital nila, iyon din po ang kinikita ng ating bill deposit. At saka ‘yung interest kasi ‘pag naging part na ng principal ‘yon, it earns also another interest.

Ayon naman sa Energy Regulatory Commission (ERC), mayroon na umano silang gagawing konsultasyon hinggil sa bill deposit, pero sinigurado nito na ipalalagay sa monthly electricity bill kung magkano ang deposito at interest ng kada customer.

ERC Spokesperson (Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN)

“Meron tayong additional bill information dito sa likuran (ng monthly bill). Dito natin maaaring ilagay ano na po ang halaga ng inyong bill deposit, kasama po ‘yung interest,” anang spokespernon ng ERC na si Atty. Rexie Basldo-Digal.

Sinabi naman ng Meralco sa pamamagitan ng tagapagsalita nitong si Joe Zaldarriaga na susundin nila ang anumang ipag-uutos ng ERC.

Joe Zaldarriaga, Meralco Spokesman (Imahe kuha sa video ng ABS-CBN)

“We’d like to assure ‘yung mga customers ng Meralco na ito nire-recognize namin talaga na pera nila,” ani Zaldarriaga.

Ang kabuuang bill deposit ng mga customers ay nasa P26.5 bilyon na, as of March 2016, batay sa kuwenta ng Meralco, subalit kung pagbabatayan ang kuwenta ng grupong NASECORE, nasa P61.3 bilyon na ang kabuuang bill deposit ng lahat ng Meralco customers.

Kung magkano naman ang dapat na ibigay na interest sa bill deposit ay ipauubaya na raw ng Meralco sa ERC.

Loading...