Bong Go kay Trillanes: “One-on-one na lang tayo!”

Image capture from Bong Go/Antonio Trillanes IV Facebook account

“One-on-one na lang tayo!”

Ito ang hamon ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go si Sen. Antonio Trillanes kasunod ng pahayag ng huli na nag-iinarte lamang ito sa pagsasabing hindi siya tatakbo bilang Senador sa 2019.

Sinabi pa ni Go na wala siyang kinalaman sa mga kumakalat na tarpaulin sa humihikayat na siya’y tumakbo bilang Senador.

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi ni Go na hindi niya uurungan ang Senador sa anumang klase ng ‘one-on-one.’

Sa pahayag ni Go, ginunita nito ang ang pangunguna ni Trillanes sa kudeta laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo ngunit kalaunan ay umatras din naman.

Ikaw nga nagkudeta pero umatras ka,” ani Go.

Giit ni Go, wala siyang dahilan upang mag-inarte lalo na’t hindi siya politiko at hindi niya pinagpaplanuhan ang lahat.

Hinimok naman ni Go ang mga tagasuporta na gamitin na lamang sa mga pagkain ang pondong ginagamit sa pagpapagawa ng mga campaign materials at ilaan na lamang ito sa mga mahihirap.

Nauna nang iginiit ni Go na hindi siya tatakbo bilang Senador sa 2019.

Panoorin ang ulat na ito ng News 5 para sa iba pang detalye:

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang ulat ng News5
Loading...