Bong Go nilinaw na hindi niya hinamon ng saksakan ng ballpen si Trillanes

Image capture from Bong Go/Antonio Trillanes IV Facebook account

Fake news nga ba?

Nilinaw ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na hindi niya hinamon ng saksakan ng ballpen si Senador Antonio Trillanes.

Image from BOng Go’s Facebook page

Ayon sa ulat ng Bombo Radyo, sinabi ni Go na puro daldal si Trillanes at puro ballpen ang hanap niya dahil sa pagpupumilit nito sa pagpirma sa waiver.

Matatandaang hinamon ng 1-on-1 ni Go ang Senador dahil umano sa pagsabing nag-iinarte lamang ito na hindi siya tatakbo bilang Senador sa 2019.

Sa pahayag ni Go, ginunita nito ang ang pangunguna ni Trillanes sa kudeta laban kay dating Pangulong Gloria Arroyo ngunit kalaunan ay umatras din naman.

Ikaw nga nagkudeta pero umatras ka,” ani Go.

Ngunit kumasa naman umano si Trillanes sa hamong ito sa pamamagitan ng text message, ayon sa ulat ng ABS CBN, at aniya, 1-on-1 sa pamamagitan ng paglagda sa waiver kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sige one-on-one kami pirmahan ng waiver. Partida na kahit isama pa niya amo niya. Yun ang balik challenge ko na may kabuluhan. Kasi sabi ni Duterte bilyonaryo si Bong Go, para malaman natin san galing ang pera niya,” ayon kay Trillanes.

Iginiit naman ni Go na walang ganitong paghahamon sa ipinahayag niya sa media.