‘Collectibles’ mula sa iba’t ibang fastfood chain, kinaaliwan

Image capture from ILYSB Facebook account

Talaga namang kaysarap mangolekta ng mga souvenir items lalo na kung napupunta tayo sa malalayong lugar. Ang souvenir na ito kasi ang magpapaalala sa atin sa mga lugar na ating narating na..

Ngunit okay kayang mangolekta ng mga gamit mula sa mga kilalang fastfood chain?

Tulad na lamang ng isang netizen na ito na ginawang collectible items ang ilang kagamitan mula sa mga sikat na fastfood chain sa bansa.

Sa Facebook post ng ILYSB, ibinahagi nito ang mga larawan ng sinasabing kanyang kinolekta mula sa mga fastfood chains.

Sa larawan makikita ang table set, kutsara’t tinidor at mga plato ng Jollibee.

Image capture from ILYSB Facebook account

Aba, pati ang mascot ay hindi pinatawad!

Image may contain: text
Image capture from ILYSB Facebook account

May lagayan din siya ng siopao na pinaniniwalaang sa Chowking.

No automatic alt text available.
Image capture from ILYSB Facebook account

At ang ‘petmalu’ ay ang chicken oil at unlimited rice dispenser ng Mang Inasal.

Image capture from ILYSB Facebook account

Pati KFC ay mayroon din!

Image may contain: one or more people and indoor
Image capture from ILYSB Facebook account

Naging katatawanan naman ang post na ito sa maraming netizens ngunit mayroon ding mga pumuna na hindi ito magandang gawain pagkat ang mga crew umano ang nakakaltasan kapag nagkukulang ang kanilang imbentaryo ng mga gamit.

Saad naman ng isang netizen, kaya siguro ginawa nang disposable ang mga pangkain ay dahil nauubos ang mga gamit nila. Ngunit mayroon ding netizen na nagpahayag na may legal ring nagbenta ng ilang mga gamit ng food chain ilang taon na ang nakalipas.

Paalala: Mahigpit na ipinagbabawal ang paglalabas ng mga gamit ng mga fastfood chain.    

Source :

Facebook

Loading...