Dinomina ang mga kalaban: 6’9” at 12-anyos na Canadian usap-usapan ngayon sa mundo ng sports

Image capture from Basketcantera.tv via You Tube

Sa sports na tulad ng basketball hindi maipagkakaila na malaking bentahe ang pagiging  matangkad. Dagdagan mo pa ng mataas na basketball IQ at tiyak na pag-aagawan ka ng mga koponan.

Usap-usapan ngayon sa mundo ng sports ang 12-anyos na Canadian na si Olivier Rioux dahil sa kanyang taas na 6-foot 9-inches ay kinakitaan ito ng husay sa paglalaro ng basketball.

Image capture from Basketcantera.tv via You Tube

Si Roioux ay isinilang noong February 2, 2006

Sa video na ibinahagi ng Basketcantera.tv, mapanonood ang pambihirang dominasyon ni Rioux sa mga kapwa niya 12-anyos na kalaro.

Mahusay ang kanyang dribbling skills at may shooting din sa labas. Walang duda na kaya niyang pumuntos dahil sa pangingibabaw sa loob ng court dahil halos isalampak lamang sa rim ang bola kapag nakapuwesto na ito sa loob

Walang awa rin niyang sinusupalpal ang kanyang mga kalaban kapag sila’y sumasalaksak sa loob ng rim.

Iba na ang matangkad!

Ngayon pa lamang ay sinusubaybayan na ang magiging career ni Rioux sa larangan ng basketball.

Panoorin ang highlights ng laro ni Rioux sa video na ibinahagi ng Basketcantera.tv sa YouTube:

I-click ang imahe upang mapanood ang video

 

Loading...