Diumano’y mag-partner hinangaan sa buwis-buhay na pagmomotor habang dala ang 9 na gulong

Image capture from Viral Photo Facebook account

Ibang klase talaga ang Pinoy pagdating sa diskarte. Gaano man kahirap ang sitwasyon tiyak na gagawa ng paraan mairaos lamang ito.

Nag-viral ngayon sa social media ang larawan ng sinasabing mag-partner na lulan ng motorsiklo dahil sa kakaibang estilo nito sa pagbitbit ng mga gulong.

Sa Facebook post ng Viral Photo, ibinahagi nito ang naturang larawan habang binabagtas ang isang kalsada na pinaniniwalaang sa EDSA.

Kakayanin ko ang lahat makasama ka lang,” ayon sa caption nito.

Image may contain: 1 person, sitting and outdoor
Image capture from Viral Photo Facebook account

Tila love goals naman ang naging caption dahil magkasama sa hirap ang dalawa at hindi alintana ang panganib sa pagdadala ng mga gulong.

Sa larawan makikita na nakasuot ang dalawang gulong sa driver at pito naman sa babaeng angkas.

Ilang netizens naman ang naaliw dahil naka-relate sila at nalagay sa parehong sitwasyon.

May netizen namang humanga sa dalawa dahil sa diskarte ng mga ito:

RESPECT jan sa dalawa. Feeling ko may shop sila sa motor. Kaya para makatipid, ganyan na lang ginawa nila.”

Paalala: Mahigpit na ipinagbabawal ang ganitong pamamaraan sa pagdadala ng maraming kagamitan lalo na’t nakamotorsiklo lamang at upang maiwasan ang disgrasya.

Source :

Facebook

Loading...