Enrique, hindi na makakasama ni Liza sa Darna

Mga imahe mula sa Instagram accounts nina @lizasoberano at @darna_2017

Tiyak na ikalulungkot ito ng mga fan ng popular love team na LizQuen.

Ayon sa PEP, kinumpirma ng isang “reliable source” sa isang eksklusibong panayam na hindi na makakasama ng aktres na si Liza Soberano sa Darna Remake ang ilang taon niyang onscreen partner at siya ring rumored boyfriend na si Enrique Gil.

Ani ng showbiz insider, hindi mahalaga ang love interest sa pelikula sapagkat nakasentro ito sa pakikipagsapalaran ng bidang superheroine.

Kamakailan ay nag-post ang LizQuen other half ng ilang larawan mula sa kanyang training para sa role.

Imahe mula sa Instagram account ni @lizasoberano

“If it doesn’t challenge you, it won’t change you. #DarnaTraining,” saad niya sa caption ng litrato.

Imahe mula sa Instagram account ni @lizasoberano

Bagong Darna

Noong nakaraang taon ibinigay kay Soberano ang nasabing role at masayang-masaya rito ang aktres.

“Sobrang na-excite po ako and siyempre, I’m happy and I feel really honored to be able to don the iconic costume and to be able to embody what she represents. And siyempre, medyo nervous din po. Kasi iyong expectations ng mga tao, I want to be able to please. But of course, at the end of the day, you can’t please everyone. And ang gagawin ko na lang po is I’ll give my more than 100 percent best sa project na ito,” ani Soberano.

“I will undergo functional training, which is working out at the gym lang nagpapalakas po. And then eventually, I’ll have stunt training, dance workshop para sa timing and gracefulness kapag gumalaw. And then I think I’ll have acting workshops again, as well as dialogue training. I want to look physically strong and capable of doing the stunts,” dagdag pa ng aktres.