Food packs na ipinamahagi sa Boracay expired na raw? DSWD nagpaliwanag

Imahe kuha mula sa video ni Marissa Jason-Gabriel via Facebook

Kumalat sa social media ang balitang expired na umano ang mga food packs na ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga residente ng Boracay matapos magreklamo ang ilang residente na nakatanggap ng relief goods.

Sa isang video na in-upload sa Facebook ng isang Marisssa Jason-Gabriel, makikita ang maraming gumagapang na insekto sa bigas na laman ng food pack na kanyang natanggap. Ipinakita rin sa video na ang sarsa ng sardinas na natanggap ay bumubula na.

Ang food pack na natanggap ni Marissa ay isa lamang sa mga food packs na ipinamahagi ng lokal na sangay ng DSWD sa Barangay Balabag noong ika-16 ng Hunyo.

Nitong Lunes, ika-18 ng Hunyo ay niliwanag naman ni Social Welfare and Development regional director Rebecca Geamala na hindi expired ang laman ng mga ipinamahaging relief goods. Aniya, nalungkot siya sa nangyari, subalit siniguro niya na ang mga canned goods sa food pack ay maayos ang kalidad at laging minomonitor ang expiration date.

NFA rice galing sa Iloilo City ang ibinigay natin sa Boracay noong Sabado. Ang canned goods na galing sa ating winning bidder ay not less than two years din dapat ang expiration,” ani Geamala.

Ayon naman kay Hector Prevendido ng DSWD, possible umanong pumutok ang ilang lata ng sardinas at humalo sa bigas na siyang dahilan upang mangamoy iyon at magkaroon ng mga insekto.

Agad namang ipinag-utos ni Geamala na palitan ng bago ang mga food packs na may kontaminadong sardinas at bigas.

I-click ang imahe upang mapanood ang video:

 

Loading...