Guro may sagot sa estudyanteng ‘advance mag-isip’

Image capture from Charlie Portugaliza Facebook account

Iba talaga ang kakulitan ng Pinoy! Kahit simpleng bagay ay napagkakatuwaan natin.

Nauuso ngayon ang  social media joke na “advance naman ako mag-isip” kaya naman marami na ring netizens ang gumagamit ng birong ito.

Tulad na lamang ng netizen na si Charlie Portugaliza sa kanyang pagbabahagi ng larawan tungkol sa naturang joke.

Sa naturang post nakasaad ang: “Dear students, tutal advance naman kayo mag-isip wala ng lesson-lesson, test na agad.”

Sinasabing ang kuha ay sa loob ng classroom kung saan makikita ang white board katabi ng flat screen TV.

Ang post ay mula sa teacher na nagngangalang ‘Sir P’.  Mukhang game din sa biruan si Sir dahil sa pagbanat ng ganitong biro.

Kinaaliwan naman ito ng mga netizens. May mga nag-aalala rin na posibleng totohanin ito ng kanilang guro.

Biro naman ng isang netizen: “Mas advance pala si sir . Kaso’y wag na den magtest bigyan mo na agad ng grades.”

Source :

Facebook

Loading...