Halaga ng piso bumagsak sa P53.23 kada $1; OFW at mga exporters makikinabang

Imahe mula sa Beautiful Philippines

Bumagsak ang halaga ng piso sa P53.23 kada isang U.S. dollar nitong Miyerkules, ika-13 ng Hunyo.

Ito na ang bagong pinakamababang halaga ng piso na naitala halos 12 taon na ang nakalilipas kung saan P53.55 ang halaga nito noong Ika-29 ng Hunyo taong 2006, ayon sa ulat ng Business World Online.

Nito lamang nakalipas na dalawang linggo, ipinaliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Diwa Guinigundo na hindi naman umano humihina ang piso, kundi lumalakas ang U.S. Dollar. Marami na raw ang lumilipat sa dolyar dahil sa inaasahang pagtaas ng interest rate sa Amerika.

Magkagayunpaman, inaasahan na marami pa rin ang patuloy na panghahawakan ang kanilang piso dahil sa matatag na ekonomiya ng Pilipinas.

Bangko Sentral ng Pilipinas (Imahe mula sa BSP)

Ang ilang ekonomista ay nagpahayag naman ng pangamba dahil sa pagbaba ng halaga ng piso ay tataas naman ang halaga ng mga imports o ang mga produkto at raw materials na inaangkat mula sa ibang bansa.

Bagama’t umaaray ang mga local importers, pabor naman sa mga exporters ang paghina ng piso.

Piso P53.23 ang palitan kada US dollar (Imahe mula sa Juankabuhayan)

“A weaker peso is more favorable [because] our revenues are in dollars. Local expenses would be cheaper because dollar goes a longer way with a weaker peso,” sabi ni Dan Lachica, president ng Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines Inc.

Pabor din sa mga overseas Filipino workers (OFW) ang mataas na palitan ng piso kada $1 dahil mas malaki umano ang naipadadala nilang pera sa kanilang pamilya.