“Hindi na po krimen ang tumambay” – Senator Kiko Pangilinan

Images via radyo Inquirer and Sen. Francis Pangilinan's Twitter posts

Usapang tambay?

Nagbabala kamakailan si Pangulong Rodrigo Duterte na ipatatapon niya sa ilog Pasig ang mga tambay na hindi uuwi kapag pinauwi ng mga awtoridad.

“Yung kalsada, ‘yung highways are– we built it for the law-abiding citizens. Ang mga kriminal dapat diyan, ang mga durugista, they are not supposed to be there. So my directive is ‘pag mag-istambay-istambay diyan sa, sabihin ninyo, ‘Umuwi kayo. Kay ‘pag hindi kayo umuwi ihatid ko kayo doon sa opisina ni ano — Pasig. Ako na’ng bahala. Ilagay mo lang diyan. Talian mo ‘yung kamay pati… Ihulog ko yan diyan sa,” ani ng pangulo.

Tugon naman ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes, Hunyo 18, sa pamamagitan ng Twitter posts niya: “Para po sa mga tagapagpatupad ng batas, hindi na po krimen ang tumambay, o mag-loiter.”

Sa bukod na tweet ay idinagdag niya na:”Republic Act (RA) 10158 has decriminalized vagrancy, amending Article 202 of the Revised Penal Code.”

Ito ay nilagdaan noong Marso 27, 2012 ng dating pangulo na si Benigno Aquino III.

Sa ilalim ng Article 202 ng Revised Penal Code of the Philippines, sinasabing ang “vagrant may be “any person found loitering about public or semi-public buildings or places of trampling or wandering about the country or the streets without visible means of support.”

Ayon sa isa pang tweet ng senador: “Doble na sweldo ng mga pulis, sundalo, at lahat ng uniformed personnel ng pamahalaan. Gampanan niyo naman ang inyong tungkulin sa taumbayang pinagmumulan ng inyong kabuhayan at kapangyarihan”.

Image capture of Pangilinan’s Twitter posts

Mensahe niya sa mga tagapagpatupad ng batas: “Maglingkod nang maayos at nang ayon sa batas.”

“Kayo ang tagapagpatupad ng batas, alamin ito at ipatupad nang tama. Kayo ang dapat manguna sa pagsunod ng batas at hindi pasimuno sa paglabag dito. Sumunod sa batas at hindi sa utos na lumabag dito,” dagdag pa niya.

Noong ika-13 ng Hunyo ay inatasan ng Pangulo ang kapulisan na paigtingin ang kampanya laban sa mga “loiterers” na sa kanyang pananaw ay mga “potential trouble” para sa publiko. Aniya, ang mga lansangan ay para sa mga law-abiding citizens at hindi kanlungan ng mga kriminal.