Hugot ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi, kinaaliwan

Mga imahe mula sa Faceook page ni MAYOR Emmanuel MALIKSI

Kinaaliwan ng marami ang hugot ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi kung saan ay hiningi nito na sana ay pansinin naman siya ng kanyang mga followers.

Sa Facebook page niya, ibinahagi ni Maliksi ang kanyang sentimyento.

“Pansinin n’yo naman ako. Hirap sa atin kapag walang pasok wala na ding pansinan,” saad niya sa post na sinamahan pa niya ng isang emoji.

Marami ang naaliw sa Facebook status na ito ng opisyal.

“Mayor Emmanuel Maliksi pogi ka na kasi mas lalo ka pa pumopogi, nahihiya na kami magpapansin. Pahinga-pahinga ‘pag may time. Sa Monday ka na namin ulit papansinin, agahan mo gising, Sir. Thanks, Mayor,” ani KR.

“Hahaha! Thank you so much dahil your FB page helps a lot to us Imus’s residents. You’re always included in our prayers,” wika ni NL.

“Matampuhin pala itong si Mayor. ‘Di na po ako nagwo-work at wala rin akong student. Pero nagsubaybay din ako sa inyo, Mayor, kung maulan kasi wait ko kung ma-cancel ang Zumba namin! Peace!” sabi ni RE.

Marami rin ang natawa dahil sa aktibo at kuwelang pagsagot niya sa mga kumento.

May mga naglapit din ng mga nais nila para sa lungsod.

Source :

Facebook

Loading...