Janine Berdin at TNT 2 Top 5 grand finalists, may concert na

Mga larawan mula sa Instagram account ng Tawag ng Tanghalan

Magkakaroon ng isang major concert ang mga Tawag ng Tanghalan Season 2 Top 6 grand finalists sa pangunguna ng grand winner nitong si Janine Berdin.

Patutunayan ng TNT 2 grand finalist na kaya na nilang mapuno ang Smart Araneta Coliseum sa darating na July 28, 2018 na nauna na nilang ipinamalas sa matagumpay na Huling Tapatan ng top 6 grand finalist sa Aliw Theater noong June 2, 2018.

Pangungunahan ng grand winners na sina Noven Belleza ng Season 1 at Janine Berdin ng Season 2 ang “TNT All-Star Showdown” kasama ang iba pang mga mahuhusay na naging finalists sa dalawang regular seasons at Kids Edition.

Frontliners din sa naturang concert ang TNT Boys na naitampok na rin sa Little Big Shot sa America at ngayon ay kalahok sa Your Face Sounds Familiar Kids tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN Kapamilya Network, gayundin ang kinakikiligang si Sam Mangubat mula sa Season 1.

Kinasasabikan na rin ng mga tagahanga na muling marinig ang tinig nina 2nd placer Ato Arman, 3rd placer Steven Paysu, at mga grand finalists Anton Antenorcruz, Arabelle Dela Cruz, Reggie Tortugo mula naman sa Season 2.

Kabilang din dito ang mga Season 1 finalists na sina Froilan Canlas, Marielle Montellano, Eumee, at marami pang iba!

Mga larawan mula sa Instagram account ng Tawag ng Tanghalan

Muli namang nagbabalik ang Tawag ng Tanghalan season 3 sa It’s Showtime upang patuloy na makatuklas ng mga bagong tinig na maririnig sa tawag ng tanghalan ng showbiz.

Samantala, panoorin ang “malakasang” performance ni TNT 2 grand winner Janine Berdin sa Aliw Theater bilang pasilip sa mga dapat abangan sa kanilang concert sa July 28:

 

Loading...