Jose Rizal tampok sa Japanese comics na ‘Manga’

Image via Creative Connections & Commons Inc Facebook page

Itatampok ang pambansang bayani ng Pilipinas na si Dr. Jose Rizal sa kilalang ‘manga’ o Japanese comics.

Sa Facebook post ng Creative Connections & Commons Inc., ibinahagi ang cover page ng ‘manga’ na magtatampok sa pambansang bayani.

FOR THE FIRST TIME IN JAPAN!  The world of Japanese comics pays homage to the quintessential Filipino, Jose Rizal! Coming soon. ©RYO KONNO, MATSUI Takahiro/TORICO,CCC.”

Image via Creative Connections and Commons Inc Facebook page

Ang ‘manga’ na obra ni Ryo Konno at mula sa panulat ni Takahiro Matsui ay pinamagatang: ‘Jose Rizal.’

Dalawang bersyon ng ‘manga’ ang ilalabas; ang isa ay English at isa ay Japanese.

Sa  Hunyo 19, kaarawan mismo ni Gat Jose Rizal ilalabas ang kilalang Japanese comics na tampok ang pambansang bayani.

Sa oras na mailabas na ang ‘Jose Rizal’ ay puwede itong ma-access nang libre sa Manga Club website.

Umani naman ng positibong reaksyon ito sa mga netizens at umabot na sa mahigit 1,300 ang nagkomento.

Image may contain: one or more people and hat
Image capture from Creative Connections & Commons Inc Facebook account

Loading...