Kambal sabay na nagtapos ng Summa Cum Laude sa BSU

Image capture from TV Patrol Facebook account

“I’m going to find a way to raise you all to become a good person of what you are now today.”

Ito ang naging pahayag ng proud single mom na si Bernardita makaraang makapagtapos sa kolehiyo ang kanyang kambal na anak na parehong Summa Cum Laude.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, sina Bernise at Denise Catuncan ay kapwa kumuha ng kursong BS Accountancy sa Batangas State University(BSU).

Mag-isang itinaguyod ni Bernardita ang kanyang kambal makaraang pumanaw ang kanyang mister.

Inialay naman ng magkapatid ang tagumpay na ito sa kanilang ama.

Alam kong happy ka diyan sa heaven…miss na miss ka na namin,” ani Denise.

Papa, para sa ‘yo lahat ng na-achieve namin,” dagdag ni Bernise.

Alam ng kambal ang hirap ng ina upang matustusan ang kanilang pag-aaral kaya’t pinagsumikapan anila na makapagtapos.

Sobrang hirap po talaga, dumadating po kami sa point na mangungutang tapos ‘yon, as in umaasa po kami sa scholarship,” ani Denise.

Pinaghahandaan naman ngayon ng magkapatid ang CPA board exam sa Oktubre.

Panoorin ang ulat na ito ng TV Patrol para sa iba pang detalye:

I-click lamang ang larawan upang mapanood ang video ng TV Patrol
Source :

Facebook, ABS CBN

Loading...