Kim Jong-Un, nagdala ng sariling “toilet” sa pakikipagpulong kay Trump

Imahe mula sa video ng CBS News

Naging matagumpay ang summit nina North Korean leader Kom Jong-Un at United States President Donald trump na ginawa sa Singapore nito lamang Martes, ika-12 ng Hunyo; ito ay ayon na rin kay President Trump.

Ani Pres. Trump, ang summit na naganap ay “better than anybody could have expected.” Sinabi pa niya na si Kim Jong-Un ay may “great personality” at balang araw ay iimbitahan niya raw ito sa White House.

Ang pagtungo ni Kim jong-Un sa Singapore para sa pakikipagpulong kay Donald Trump ay ang ikatlo pa lang niyang paglabas sa North Korea mula nang maluklok siyang lider ng kanyang bansa noong 2011.

At sa kanyang pagtungo sa Singapore, hindi nawala sa kanyang isipan ang hinggil sa kanyang seguridad.

Imahe kuha sa video ng CBS News

Alam n’yo ba na nagdala ng sariling kasilyas o “toilet” ang Supreme leader ng North Korea bagama’t ang tinuluyan niyang kuwarto sa isang marangyang hotel doon ay may “luxurious ensite bathroom?”

Ayon sa ulat ng NY Post, ang pagdadala ni Kim ng sariling portable toilet ay upang maiwasan na makakuha ng “insight” mula sa kanyang dumi ang mga foreign agents sa estado ng kanyang kalusugan.

Hindi iyon ang unang pagdadala ni Kim ng sariling kasilyas. Noong nakipagpulong siya kay South Korean President Moon Jae-In ay may dala rin siyang portable toilet.

Bukod sa portable toilet, nagdala rin si Kim Jong-Un sa Singapore ng espesyal na pagkain para sa sarili at isang bulletproof limousine.

Loading...