Lalaking namamalimos na walang paa’t binti, umantig sa netizens

Image capture from Matalinong Matsing Facebook account

Marami tayong dapat ipagpasalamat sa araw-araw. Mga biyayang natatanggap, paggising sa umaga at maging ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan.

May mga pagkakataon na dumaraan tayo sa ilang pagsubok ng buhay na nagiging dahilan minsan upang tayo’y manghina at halos sumuko.

Be inspired!

Umantig sa maraming netizens ang larawan ng isang lalaking walang lower extremities. Siya umano ay matatagpuan sa EDSA, Cubao.

Sa Facebook post ng Matalinong Matsing, ibinahagi nito ang larawan ng naturang lalaki.

Image may contain: 2 people
Image capture from Matalinong Matsing Facebook account

Sa post ng netizen, nakatawag-pansin sa kanya ang kaawa-awang kalagayan ng lalaking tila may kalahating katawan lamang.

Para sa netizen, maraming dapat ipagpasalamat, lalo na nang makita niya ang lalaki. Marami raw kasi na dumaan lamang sa kaunting pagsubok ay agad na isinisisi sa Diyos.

Hinangaan din ng netizen ang lalaki na sa kabila ng kapansanan ay patuloy itong lumalaban sa buhay.

Hinimok naman ng netizen ang marami na abutan ang lalaki ng kahit magkano upang makatulong sa kanya.

Image may contain: 1 person, outdoor
Image capture from Matalinong Matsing Facebook account

Ngunit ayon sa mga nakakilala sa kanya sa mga komento, taga-Gumaca, Quezon umano ang pamilya ng lalaki at ayaw nang bumalik doon sa kabila ng pagtunton sa kanya ng kanyang mga kaanak. Tinawag din siyang Kuya Punggo ng ilang nagsabing kaanak siya at ngayong alam na kung nasaang area siya ay muli siyang hihikayatin na umuwi na lamang sa kanilang probinsiya.

 

 

Source :

Facebook

Loading...