Lani Mercado sa diumano’y pagse-selfie ng mister na si Senador Bong Revilla: “Lumang larawan ‘yan”

I-click lamang ang larawan ng TV Patrol Facebook account

Nag-selfie nga ba sa loob ng piitan?

Walang cellphone sa loob ng piitan si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr, ito ay ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, misis ng Senador.

Ang pahayag na ito ng Alkalde ay kasunod ng pagkumpiska ng mga pulis sa cellphone umano ni Revilla makaraan ang kontrobersyal na selfie post ng Senador.

Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer, batid ni Mayor Lani na mahigpit na ipinagbabawal ang cellphone sa loob ng PNP custodial center.

Saad pa nito, may ibang administrator ang Facebook account ng kanyang mister. Luma at matagal na rin umano ang naturang larawan.

Paniwala ni Mayor Lani, posibleng may ilang bisita na nakausap ang mister hinggil sa sitwasyon nito na nai-post sa social media.

Ito ang ikaapat na taon na nakakulong ang Senador makaraang makasuhan kaugnay sa Pork Barrel scam.

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) kung paano naipasok ang cellphone sa loob piitan.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN para sa iba pang detalye:

I-click lamang ang larawan ng TV Patrol Facebook account

Loading...