Mabuting pulis, binilhan ng school supplies ang isang batang lalaki upang makapasok sa paaralan

Mga larawan mula sa Facebook page na Duterte sa Masa

Ang mga pulis o tinatawag na “mga alagad ng batas” ay may pangunahing layuning ipagsanggalang ang mga mamamayan mula sa masasamang elemento ng lipunan tulad ng krimen. Bagama’t sila ang mga nagbibigay-proteksyon sa mga tao at tagapanatili ng kaayusan sa paligid, positibo at negatibo ang tingin sa kanila ng karamihan, lalo na’t ang ilan sa kanila ay nasasangkot sa mga gulong lumalabag mismo sa batas.

Pinatunayan ng isang mapagkawanggawang pulis na nagngangalang Police Officer 2 Nestor B. Lumicquio, Jr na hindi lahat ng pulis ay “dapat katakutan” at bato ang puso dahil sa ipinamalas niyang pagtulong sa isang batang lalaking walang mga gamit sa eskwela kaya hindi makapasok sa kanyang klase.

Batay sa Facebook post na Duterte sa Masa noong June 14, 2018, nakita ni PO2 Lumicquio ang isang batang lalaking nagmumukmok sa labas ng paaralan kaya nilapitan niya ito upang alamin ang dahilan.

Sinabi ng batang lalaki na wala pa siyang mga gamit sa paaralan kaya hindi siya makapasok. Kaya naman, sinamahan ng mabuting pulis ang naturang bata sa malapit na pamilihan at binilhan ito ng mga gamit. Mababakas sa mukha ng bata ang kagalakan sa ginawa ng mabuting pulis.

Nagpapatrolya sina PO2 Nestor B Lumicquio Jr ng may nakitang bata na nasa labas ng eskwelahan at nagmumukmok. Nilapitan niya ito at tinanong kung bakit, napagalaman na wala pa daw siyang gamit sa eskwelahan kaya hindi pa ito makapasok. Sinamahan ng ating mabuting pulis ang bata sa malapit na palengke at binilihan ito ng mga gamit. Bakas sa mukha ng bata ang galak sa kabutihang ipinagkaloob ng ating mabuting pulis.

Larawan mula sa Facebook page na Duterte sa Masa

Marami sa mga netizen ang sumaludo sa ginawang ito ng mabuting pulis.

Larawan mula sa Facebook page na Duterte sa Masa

Narito ang buong post tungkol sa mabuting pulis na makikita sa Facebook page na Duterte sa Masa:

I-click ang larawan upang makita ang buong post

Mabuhay ka, PO2 Nestor Lumicquio, Jr! Nawa ay pamarisan ka ng iyong mga kasamahan, gayundin ng lahat!

Source :

Facebook

Loading...