Mag-iina sabay-sabay magtatapos sa UP Diliman; 2 anak with Latin Honors pa

Image capture from Lorelie Aquino's blog

Nakatakdang magtapos ang mag-iina sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Hunyo 24.

Kahanga-hanga ang 44-anyos na si Lorelei Aquino dahil kailangan niyang balansehin ang kanyang pagiging ina at pagpasok ng dalawang semester bago makamit ang Business Management degree.

Image capture from Lorelie Aquino blog

Sa blog ni Aquino, sinabi nito na ang hindi niya pagpasa sa subject na Calculus ang naging dahilan kung kaya’t hindi siya nakapagtapos noong 1994.

When two of our children were about to graduate in the same university that brought me and my husband together many years ago, I decided to take a leap of faith and enroll Math 100. I’ve been thinking, wouldn’t it be nice if the three of us all graduate at the same time?” ayon kay Aquino.

Ani Aquino, hindi naging madali at tunay na naging malaking hamon sa kanya ang pagbabalik-eskwela.

Si Aquino ay taga-Bulacan at naunang nag-enrol sa UP Clark sa Pampanga. Sa kanyang pag-aaral muli kailangan siyang i-tutor ng kanyang anak.

I also had to endure the humiliation of being tutored by my son. I knew that it was equally hard for him (he was often my shock absorber cum emotional punching bag especially when I would get frustrated due to a difficult lesson) but, as a parent, I had been used to doing the teaching to my children. It should not be the other way around,” ani Aquino.

Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin nakapasa sa asignatura si Aquino. Pero dahil na rin sa panghihikayat ng kanyang mister at mga anak ay muli siyang nag-enrol, ngunit sa UP  Diliman na.

I found comfort in my husband and children’s assurance that there was no shame in what happened. I did my best, and that was what’s most important, they said,” saad ni Aquino.

In hindsight, I realized that if my teacher gave me an undeserved passing grade out of pity or sympathy, my high regard for UP would be shattered.”

Si Aquino ay pumapasok ng isa’t kalahating oras sa apat na beses sa isang linggo sa UP Diliman.

My children could take as many as seven subjects in a sem, and I would expect them to bring home impeccable grades, while there I was, allowing myself to abandon my long-time dream of earning a diploma, to give up the fight even before it started, to be daunted by the obstacles that a single subject entailed,” aniya.

Wika pa ni Aquino, inspirasyon niya ang kanyang mga anak.

Kasamang magtatapos ni Aquino ang dalawang anak sa UP na may Latin honors. So inspiring, ‘di ba?

Image capture from Lorelie Aquino blog
Loading...