Magkasintahang nagkakilala sa isang dating app na nagdiwang ng anibersaryo, kinagiliwan

Mga larawan mula sa Facebook account ni Cheelene Ang

Sa panahon ngayong laganap ang paggamit ng mga makabagong gadgets tulad ng smartphones at samahan pa ng internet, nagsulputan din ang iba’t ibang mabilisang paraan ng pakikipag-ugnayan o komunikasyon sa pamamagitan ng mga online apps o application. Isa sa mga kinahuhumalingang i-download dito ang mga dating apps tulad ng Tinder.

Ang mga dating apps tulad ng Tinder ay sadyang nilikha upang makatulong sa mga “hopeless romantic” upang makahanap ng kanilang ka-match. May ilang mga tao kasing masyadong abala sa kani-kanilang mga trabaho, negosyo, o iba pang pinagkakaabalahan kaya wala nang panahon upang makihalubilo at makakilala pa ng iba.

Malaking tulong umano ang Tinder lalo’t walang ibang gagawin kundi mag-download nito, mag-register, at abangan ang paglitaw ng iba pang mga taong nakaregister sa naturang app. I-swipe right lamang ang larawan ng lumitaw na tao na nagustuhan mo at swipe left naman kung hindi. Kapag pareho kayong nag-swipe right, tiyak na nahanap mo na ang match mo at maaari na kayong magka-chat.

Image via The Verge

Ganyan ang nangyari sa magkasintahang Cheelene Ang at Carl Steven Maravilla na unang nagkakilala sa Tinder.

Batay sa Facebook post ni Cheelene noong June 15, 2017, na hanggang ngayon ay patuloy na pinag-uusapan ng mga netizen, nagdiwang sila ng ikalawang anibersaryo ng kanilang relasyon, at dahil ang June 15, 2018 ay ikatlong anibersaryo na nila, muling nirepost ni Cheelene. Nagsimula sa naturang dating app, sinariwa at ibinahagi ni Cheelene ang naging pag-uusap nila ni Carl na nagsimula sa kulitan at nagtuloy-tuloy na sa seryosohan.

Dito nagsimula ang lahat…
Sa tinder.
Unang convo namin to. At akalain mo yun? Dalawang taon na kami sa araw na to? May forever nga ata talaga sa tinder? hahaha

Happy 2nd Anniversary tinder corny, Carl Stephen Maravilla!
I LOVE YOU

Larawan mula sa Facebook account ni Cheelene Ang

Isa itong patunay na posible palang mahanap ang “true love” at “the right one” kahit sa mga dating apps gaya ng Tinder. Love moves in mysterious ways, sabi nga ng awitin ni Nina.

Subalit patok man ang paggamit ng mga dating apps, kailangan pa ring maging maingat sa mga taong nakikilala sa mga ganitong platforms dahil hindi lahat ay may magandang intensyon sa kanilang kapwa. Kilalanin pa ring maigi ang mga taong nakaka-chat. Kung hindi kampante sa pakikipagtagpo, maaaring magsama ng kakilala o kaibigan.

Narito ang buong Facebook post ni Cheelene Ang:

I-click ang larawan upang mabasa ang buong post
Loading...