Mariel Rodriguez sa kanyang pagbabalik sa “It’s Showtime!”: “It feels good to have a home to come back to”

Image capture from Mariel Rodriguez Instagram Account

Kung nakapanood ka ng “It’s Showtime!” nitong  Linggo, malamang nakita mo na si Mariel Rodriguez sa kanyang pagbabalik sa programa ng Kapamilya Network.

Image capture from Mariel Rodriguez Instagram Account

Malugod na tinanggap si Mariel nina hosts Vhong Navarro, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Amy Perez, Karylle, Teddy Corpuz, Anne Curtis at Vice Ganda.

Grabe sobra ko kayong na-miss. Nakakaiyak pero pinipigilan ko. Miss ko kayo, grabe all of you,” ayon kay Mariel.

Na-miss ko talaga kayo, lahat kayong nandito, sa mga nasa tahanan nila. Na-miss ko kayong lahat it feels good to be back. It feels good to have a home to come back to,” dagdag pa nito.

It has been the best experience of my life. Really ang sarap. Ngayon, sabi ko nga, iba kapag nakakakita ako ng moms ngayon,” ani Mariel sa kanyang mga “It’s Showtime” co-hosts.

Maliban sa pag-welcome sa kanya sa “It’s Showtime”, may video messages din siya sa kanyang mister na si Robin Padilla at kaibigang si Toni Gonzaga.

Thank you, Toni, for the message. To my husband, maraming maraming salamat and Happy Father’s Day. Sabi ko nga ‘di ko magagawa ang ginagawa ko kung hindi niya ako sinusuportahan,” ani Mariel.

Magugunitang nilisan ni Mariel ang noontime show makaraang ipagbuntis nito ang kanyang unang anak kay Robin na si Isabella.

Isinilang ni Mariel si baby Isabella noong November 14, 2016 sa U.S.

Panoorin ang video na ito ng kanyang pagbabalik sa ABS CBN show:

At dahil isa na siyang ina sa kanyang pagbabalik sa It’s Showtime, hindi napigilan ng aktres at host ang maging emosyonal:

Loading...