Mga sikat na celebrities, nagbigay-pugay sa kanilang mga ama sa pagdiriwang ng Fathers’ Day

Mga larawan mula sa Instagram accounts nina Kim Chiu, Elmo Magalona, Erik Santos, Anne Curtis, at Vice Ganda

Haligi ng tahanan- iyan ang taguring ikinakapit sa mga tatay, itay, itang, tatang, ama, amang, papa, papang, papski, papshie, pudrakels, daddy, dads, daduds, at kung anuman ang tawag sa kanya.

Sa pagdiriwang ng Fathers’ Day o Araw ng mga Ama, binibigyang-pugay ng mga anak at asawang babae ang mga haligi ng tahanan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan tulad ng pagkain ng mag-anak sa labas, pamamasyal, panlilibre sa isang spa, massage parlor, o wellness center, at marami pang iba.

Maging ang mga sikat na celebrities ay hindi pinalagpas ang pagpupugay sa kani-kanilang mga ama sa pamamagitan ng pag-post ng throwback photo kasama ang kani-kanilang mga tatay sa Instagram.

Isa na riyan ang Chinita Princess na si Kim Chiu. Pinasalamatan ni Kim ang kanyang tatay na inilarawan niya bilang kwela at laging sumusuporta sa kanya sa mahahalagang kaganapan sa kanyang buhay. Hindi man daw sila madalas magkasama, mananatili pa rin ang pagmamahal niya rito habambuhay. Binati rin niya ang kanyang kapatid na isa na ring ama.

Happy father’s day to the coolest father ever!!!lab you pa!!! thank you for being funny and for always being there pag may mga important events kami, we may not always be together but our love for you will be forever!!! gift ko utang muna ha! pag balik nalang nimo diri !hihi #familyphotosuccess hi john! haha and happy father’s day to my brother dearest @chiu_william87 lab you man!!! always yan!!!isa kang dakilang ama!

I-click ang larawan upang makita ang buong post/Kim Chiu

Inalala naman ni Elmo Magalona ang kanyang namayapang amang si Francis Magalona na itinuturing na King of Philippine Rap. Nagbigay ng payo si Elmo sa iba pang netizen na ipakita ang pagmamahal at pagpapahalahaga sa mga dakilang ama.

You are always missed. Today is just another excuse to miss you more. Happy Father’s day papa. And to everyone with fathers/acting fathers, make sure you show them how much you appreciate them, even just for today because they work so, so hard for us. You are appreciated.

I-click ang larawan upang makita ang buong post/Elmo Magalona

Ipinakita naman ng singer na si Erik Santos ang throwback photo niya noong kabataan niya kasama ang kanyang tatay kung saan kapansin-pansin na siya ay payat pa.

Happy Father’s Day to my loving father. Love you always.

I-click ang larawan upang makita ang buong post/Erik Santos

Pinasalamatan naman ni Anne Curtis ang kanyang daddy na naniwala sa kanyang pangarap na makakanta gaya ni Olivia Newton-John.

I-click ang larawan upang makita ang buong post/Anne Curtis

Happy Father’s Day to someone who always taught me to pursue my biggest dreams and made me believe I could sing like Olivia Newton-John (real talk though – I sing like my mama)

Hindi rin naman nagpakabog ang Unkabogable star Vice Ganda sa paggunita sa kanyang ama. Inilarawan niya ito bilang isang amang mabait subalit mabagsik, mapagmahal subalit may saltik.

Yan ang TATAY ni TUTOY. Mabait pero mabagsik. Mapagmahal pero may saltik. Malambing pero namamalo ng bata. Matapang pero mababaw ang luha. Matalino sya pero marami rin syang mali. Madamdamin pero nakangiti. Mabigat pero magaan. Walang pera pero mayaman. Lumisan pero di lumayo. Nawala pero di naglaho. Sya si TATAY. Parang si TUTOY. Sya ang TATAY ni TUTOY.

I-click ang larawan upang makita ang buong post/Vice Ganda

Maligayang Araw ng mga Ama!

Loading...