Mga tambay na matitigas ang ulo, ipatatapon ni Pang. Duterte sa Ilog Pasig

Image from PCOO

Bilang na ang oras ng mga tambay sa kalsada sa dis-oras ng gabi matapos maglabas ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanila.

Ayon sa ulat ng GMA News, inatasan ng Pangulo ang kapulisan noong ika-13 ng Hunyo na paigtingin ang kampanya laban sa mga “loiterers” na sa kanyang pananaw ay mga “potential trouble” para sa publiko. Aniya, ang mga lansangan ay para sa mga law-abiding citizens at hindi kanlungan ng mga kriminal.

Babala ng Pangulo, ipatatapon niya sa ilog Pasig ang mga tambay na hindi uuwi kapag pinauwi ng mga awtoridad.

“Yung kalsada, ‘yung highways are– we built it for the law-abiding citizens. Ang mga kriminal dapat diyan, ang mga durugista, they are not supposed to be there. So my directive is ‘pag mag-istambay-istambay diyan sa, sabihin ninyo, ‘Umuwi kayo. Kay ‘pag hindi kayo umuwi ihatid ko kayo doon sa opisina ni ano — Pasig. Ako na’ng bahala. Ilagay mo lang diyan. Talian mo ‘yung kamay pati… Ihulog ko yan diyan sa…,” anang Pangulo.


Bagama’t binatikos ng ilang mambabatas ang nasabing direktiba, ilang  mamamayan naman ang nagpakita ng suporta sa kautusan.

Ani Gina Gaborni, kagawad sa isang barangay sa Caloocan City, musika para sa kanyang tainga ang direktiba ng Pangulo. Aniya, paulit-ulit na lang nilang sinasaway ang mga nakaistambay sa kalsada, subalit palagi pa ring bumabalik ang mga ito.

Sang-ayon din ang babaeng estudyante sa direktiba dahil natatakot siyang maglakad sa lansangan lalo na kapag maraming tambay. Nambabastos umano ang mga ito at minsan ay nasasangkot sa mga away.

Ayon naman kay Ariel Villamor, 19 anyos, ang direktiba ni Pangulong Duterte ay para naman sa kapakanan ng mga mamamayan.

Loading...