“Our baby Francesca Michelle is here!” 2nd baby nina James Yap at Michela, isinilang na

Image capture from James Yap Instagram account

Isinilang na ang ikalawang anak ni PBA star James Yap at misis na si Michela Cazzola.

Sa Instagram post ni James, masayang ibinahagi nito ang larawan ng kanilang baby na si  Francesca Michelle.

Our baby Francesca Michelle is here. Thank you God for protecting them during the delivery,” ayon sa caption nito.

Our baby Francesca Michelle is here 🎀 Thank you God for protecting them during the delivery ❤️

A post shared by James Yap (@jamesyap18) on

Umani naman ng pagbati ang mag-partner mula sa mga netizens.

Matatandaan nito lamang Abril nang ianunsyo ng couple ang pagdating ng kanilang bunsong anak.

Limang taon nang mag-partner sina James at Michela. Ang panganay na si Michael James ay isinilang noong August 2016.

Si James ay may anak kay  TV host at actress Kris Aquino. Ito’y si Bimby.

Tila double celebration din ito kay James dahil kasalukuyang nangunguna sa PBA Commisioner’s Cup ang kanyang koponan na Rain or Shine.

Loading...