Pinoy dumanas ng diskriminasyon sa isang grocery sa US

Image capture from Danika Aquino video via Facebook

Isang Pilipino ang dumanas ng diskriminasyon habang nakapila sa isang grocery sa Daly City sa California.

Sa Facebook post ni Danika Aquino noong June 9, isinalaysay niya ang ‘racist rant’  na dinanas ng kanyang kaibigan mula sa isang Amerikanong babae  habang nakapila sa isang grocery.

Look at all the groceries they’re buying. Steal our food, steal our money, steal our jobs,” ang saad ng isang babaeng Amerikano sa  Pinoy.

Anang Pinoy, “I’ve got a family to feed,” ngunit tugon naman ng Amerikano: “So what? Go back to your country.”

Image capture from Danika Aquino video via Facebook

Ayon sa ulat ng GMA, pinaliwanag ni Danika na ang Pinoy na nagtatanggol sa grupo ay mister ng kanyang kaibigan at kapitbahay na nagngangalang Jenny. Kasama ng mag-asawang Pinoy ang kanilang 5-anyos na anak na bihira lamang mag-grocery nang maganap ang insidente.

It was Jenny who started the video because the lady had stated when they were in line to check out, ‘oh orientals.’

Patuloy umano sa pagsasalita ang babae sa kanilang likuran kaya naman minabuting i-record ni Jenny ang insidente.

Wala umano si Danika nang mangyari ang insidente ngunit may pahintulot mula kay Jenny na i-upload ang video sa social media.

Ang iba pang detalye ng insidente ay mapapanood sa video na ipinost ni Danika:

Click the image to watch the video

 

Source :

Facebook, GMA

Loading...