Proud dad! Bong Alvarez, dumalo sa graduation ng anak nila ni Almira Muhlach

Image capture from Bong Alvarez/Almira Muhlach Instagram account

Sinumang magulang ay magiging proud na makapagtapos ng pag-aaral  ang kanilang mga anak. Para sa kanila hindi matutumbasaN ng anumang materyal na bagay ang ganitong pakiramdam.

Dumalo si dating PBA star Bong Alvarez sa graduation day ng kanyang anak na si Illa Alvarez.

Sa Instagram post ni Bong, proud na ibinahagi nito ang graduation picture nila ni Illa.

Ito ay ay caption na: “Congratulations to my 2nd daughter Illa. Isa na lang tapos na ang tatlong maria ko. SALAMAT SA DIYOS!!!”

Image capture from Bong Alvarez Instagram account

Si Illa, 20, ay anak ni Bong kay Almira Muhlach. Ito ay nagtapos ng degree sa Psychology sa De La Salle University. Siya rin ang second graduate sa kanilang pamilya.

Ang panganay na si Alyssa naman ay nagtapos ng Integrated Marketing Communications sa University of Asia and the Pacific noong 2016.

Si Ina, ang bunso, ay kasalukuyang Entrepreneurial Management student.

Proud mommy naman si Almira sa graduation ni Illa na ginanap sa Philippine International Convention Center.

Image capture from Almira Muhlach Instagram account

Matatandaang naghiwalay sina  Almira at Bong noong 2011.

Si Almira ay nagbalik sa acting at naging  professional makeup artist din. Siya rin ang nag-take charge sa pagpapaaral sa kanyang mga anak, ayon  sa ulat ng PEP.

Kahit hiwalay na ang mga magulang ay constantly in touch pa rin si Bong sa kanyang mga anak.