Pulis na tumulong sa netizen na nasiraan ng sasakyan sa kalsada, hinangaan sa social media




Imge capture from Carolyn Pasaporte Jayme Facebook account

Patuloy ang paglilinis sa hanay ng pambansang kapulisan. Bagama’t may mga pasaway pa ring alagad ng batas ay may mga pulis pa ring  na nagiging dahilan kung bakit sila karapat-dapat igalang.

Tulad na lamang ng isang pulis na buong pusong tumulong sa isang taong nasiraan ng sasakyan sa kalsada.

Sa Facebook post ni Carolyn Pasaporte Jayme, ibinahagi nito ang pagtulong ng isang pulis sa kanyang asawa makaraang masira ang sasakyan sa  EDSA.

Imge capture from Carolyn Pasaporte Jayme Facebook account

Ito ay may caption na:

“#Shoutout po sa pulis na ito ..Maraming salamat po sir sa pag tulong sa asawa ko kundi dahil sayo sir matatagalan kami sa gitna ng edsa..sobrang pinahanga nyo pa po kami sa kabutihan nyo lalo na sa HINDI nyo PAGTANGGAP ng TIP bilang pagtulong samin, tulad nga po ng sabi mo “MALAKI ANG SINASAHOD KO maam, WAG NA PO maam”👍..sana marami pa po ang tulad mo sir ..!

Salamat sa diyos at ligtas kami nakauwi .. #PulisViernes”

Labis na hinangaan ni Jayme ang ginawang pagtulong ng pulis sa kanyang mister. Bilang kapalit nagbigay si Jayme ng tip bilang pakonsuwelo sana ngunit tinanggihan ito ng pulis.

Imge capture from Carolyn Pasaporte Jayme Facebook account

Umani rin ng paghanga ang pulis mula sa mga netizens:

“Saludo ako sayo sir sana lahat ng pulis ganyan GOD BLESS po sir.”

“salamat po sa pagpost mo ng POLICE GOOD DEEDS, ito na lang po ang isang napaka gandang ambag nyo sa aming pagpupumilit bumangon, salamat po.”

“Salamat my ganyang pang pulis sa pinas.”

Imge capture from Carolyn Pasaporte Jayme Facebook account
Source :

Facebook