Sanggol iniwan sa isang fastfood chain?

Image capture from Buhay Pinoy Facebook account

Nakalulungkot isipin na may mga magulang na natitiis iwan ang kanilang anak kapag hindi na nila ito kayang alagaan.

May takot pa ba sa Diyos ang mga ganitong klaseng magulang?

Isang netizen ang nanawagan sa DSWD makaraang matagpuan ang isang sanggol sa Jollibee sa Imus Pag-asa.

Sa larawan ni Jessica t.v., na ibinahagi ng Buhay Pinoy Facebook page, makikita ang sanggol na natagpuan sa kilalang fastfood chain na hawak ng mga service crew.

“ATTENTION DSWD! May nang-iwan ng sanggol dito malapit sa store ng Jollibee Imus Pag-asa. Kung sino ka man si God na bahala sayo!. Ang cute cute ni Baby!!! Naiiyak ako kasi iniwan sya ng mga walang kwenta nyang magulang.. Sakin ka nalang Baby!!!!”

I-clik lamang Buhay Pinoy Facebook account upang makita ang mga larawan

Sinasabing ang sanggol ay iniwan ng kanyang magulang. Sa mga sandaling ito, hindi pa tukoy ang mga magulang ng sanggol.

Hindi naman maiwasang magalit ng ilang netizens sa diumano’y pagpapabaya ng magulang sa sanggol.

Marami ring mga netizen ang nagpahayag ng pagnanais na ampunin ang munting anghel.