SAP Bong Go nagbigay ng P1-milyong donasyon sa mga batang may kanser

Image capture from Bong Go Facebook account

Nagbigay ng donasyon si  Special Assistant to the President Bong Go sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC).

Ayon sa ulat ng RMN, ang donasyon ay tsekeng naglalaman ng 1 milyong piso para sa mga batang may kanser.

Paglilinaw ni Go, ang pera ay hindi nagmula sa kanyang sariling bulsa.

Ang pera ay mula umano sa kanyang mga kakampi sa Team Kamao na napanalunan niya sa isang liga.

Para kay Go, hindi ito kailangang magpasalamat dahil ang pera’y mula sa taumbayan.

Simula nang magsilbi siya kay Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi na rin siya nagdiriwang ng kaarawan.

Panawagan naman ni Go sa mga magulang ng mga batang may kanser na huwag panghinaan ng loob at labanan lamang ang sakit.

Matatandaan na ipinagpalit ni Go ang kanyang sapatos sa tsinelas ng isang biktima ng sunog sa Sta. Cruz Maynila nitong Mayo 2.

Image may contain: 2 people, people standing
Image capture from Bong Go Facebook account

Samantala, inihayag naman ni Go na hindi siya tatakbo bilang Senador sa 2019.

Do not worry, as I have no dream to become a senator,” ayon kay Go.

Dagdag pa nito: “My loyalty is with the President and the Filipino nation… How about you, where does your loyalty lie?’”

Source :

RMN, Inquirer, KD News

Loading...