Super Viral: The best Carpool Karaoke na ginawa ni James Corden kasama si Sir Paul McCartney

Imahe mula sa video ng Carpool Karaoke ng The Late Late Show with James Corden

Sa mga Beatlemaniacs out there, partikular na ang mga fans ni Sir Paul McCartney, kailangan n’yong panoorin ang latest Carpool Karaoke ng The Late Late Show na ayon sa host nitong si James Corden ay posibleng “the best Carpool Karaoke” na ginawa ng show.

Nagsimula ang carpool karaoke sa pagkanta ni James at Sir Paul McCartney ng isa sa mga early hits ng Beatles na “Drive My Car.” Ang mga bahagi ng kanta na may “beep beep” ay sinabayan pa nila ng pagpapatunog ng busina ng kotseng gamit nila.

Inilibot ni Paul MCCartney si James Corden sa Liverpool sa North West England kung saan siya lumaki at nagsimula ang Beatles. Sa Penny Lane, isang barber shop ang pinuntahan nila kung saan nagpapagupit noon ng buhok si Paul. May lumang larawan pa siya na naka-display doon kung saan “ginugupitan” siya ni John Lennon.

Paul at John Lennon (Imahe kuha sa Carpool Karaoke video ng The Late, Late Show with James Corden)

Naging emosyonal at napaluha pa si James sa bahaging kinanta nila ni Paul ang “Let It Be.”

“That’s the power of music,” sabi naman sa kanya ni Paul.

Sabi ni James naalala niya ang kanyang lolo na isa ring musikero at ang ama niya noong pinaupo siya at sinabihan na, We’re going to play you the best song you’ve ever heard.” Naalala niya na ipinakinig sa kanya ng lolo at ama ang “Let It Be.” Sigurado raw na masisiyahan ang lolo niya kung naririto ito ngayon.

Dumalaw rin ang dalawa sa bahay na tinirhan ni Paul noong bata pa siya. Ipinakita niya kay James ang isang kuwarto kung saan sila gumagawa ni John Lennon ng mga kanta.

Kuwento pa ni Paul, nang iparinig niya sa ama ang ginawang kantang “She Loves You,” pinayuhan umano siya nito na baguhin ang refrain. Sa halip daw na She loves you, yeah, yeah, yeah dapat daw ay She loves you yes, yes, yes. Masyado  na raw kasing palasak ang paggamit ng “Americanism” noong panahon na iyon.

Ani Paul, hindi nila sinunod ang payo ng ama.

Paul McCartney sinorpresa ang mga customer sa The Philharmonic Dining Rooms (Imahe kuha sa video ng Carpool Karaoke ng The Late Late Show with James Corden)

Inilaan nina Paul at James ang pinakamagandang bahagi ng Carpool Karaoke nang magtungo sila sa The Philharmonic Dining Rooms (The Phil) kung saan tumutugtog dati si Paul at paminsan-minsan ay umiinom ng alak.

Na-sorpresa ngunit napakasuwerte ng  mga parukyanong umiinom at kumakain noon sa “The Phil” dahil nag-mini concert doon si Paul McCartney.

Narito ang super viral video ng Carpool Karaoke ni Paul McCartney at James Corden. Kailangan n’yo itong panoorin:

Paul McCartney Carpool Karaoke

James Corden heads to Liverpool for a special day with Paul McCartney spent exploring the city of Paul's youth, visiting his childhood home where he wrote music with John Lennon, performing songs in a local pub and of course driving around singing a few of Paul's biggest hits.Pre-order Paul McCartney's new album Egypt Station and download his two new songs “Come On To Me” and “I Don’t Know” here: https://paulmccartney.lnk.to/EgyptStationWatch The Late Late Show with James Corden's episodes from London only on Sky One at 10pm.

Posted by The Late Late Show with James Corden on Friday, June 22, 2018

 

Loading...