Tambalang ‘Enteng Kabisote’ at ‘Ang Panday’ sa MMFF 2018, kumpirmado na!

Image capture from Coco Martin/Vic Sotto Instagram account

Kinumpirma ni “Ang Probinsyano” star Coco Martin ang kanilang pagtatambal ni ‘Bossing’ Vic Sotto sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Disyembre.

Ayon sa ulat ng PEP, sinabi ni Martin na excited na siyang makatrabaho si Sotto lalo na’t matagal na niyang pangarap makasama ang Eat Bulaga! host.

Image capture from Coco Martin Instagram account

Actually, nakapag-usap na kami,” ani Martin. “Excited? Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso.

Ang tambalan nina Sotto at Martin ay inaasahang makakalaban sa takilya si Vice Ganda na kilalang kaibigan ni Martin kung saan sila’y naging top-grossing films sa MMFF kamakailan.

Matatandaang nagtambal sina Martin at Vice sa 2016 comedy “The Super Parental Guardians” ngunit hindi  pumasa ang pelikula sa panlasa ng organizing committee’s ng MMFF.

Noong 2017, si Vice Ganda ang nanguna sa box office race sa pelikulang “Gandarrapiddo: The Revenger Squad” na sinasabing naging highest grossing Filipino film of all time. Ito naman ang directorial debut ni Martin sa pelikulang “Ang Panday.”

Para kay Martin, hindi niya iniintindi ang rivalry nila ni Vice.

Ang layunin namin kasi mapaligaya namin ang mga manonood. At saka siyempre, ako naman, sabi ko nga, ‘di kami naglalaban-laban, nagtutulungan kami para bigyan ng buhay at maging mas masigla ang Metro Manila Film Fest kapag Pasko,” ani Martin.

Bago ang kumpirmasyong ito batid naman umano ni Vice Ganda ang tambalan nina Martin at Sotto.

I’m fully aware of that,” ani Vice Ganda. “Wala namang taong hindi mahigpit ang labanan, kasi lahat ng tao nagtatrabaho nang husto, para makapagbigay ng magandang materyal sa mga taong manonood.”

Loading...