Throwback: Ang young actress na si Luz Valdez

Mga imahe mula sa Facebook group na ‎Memories of Old Manila at Facebook account na Luz Valdez

Marami ang napa-wow nang makita ang throwback photo ng batikang aktres na si Luz Valdez.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ni Zmhel Chor‎ ang “then and now” photos ni Valdez, na hanggang ngayon ay bahagi pa rin ng industriya ng showbiz.

“Mga ka-Memories nakikilala n’yo pa ba ang magaling at beteranang aktress na ito?” saad niya sa caption ng mga litrato.

Marami ang namangha sa kagandahan ng Filipina actress.

“Ganda pala ni Luz Valdez!” ani FC.

“She is stunning,” saad ni SY.

Ang iba naman na inabot ang panahon ng kanyang kabataan, o nakapanood na ng ilang luma niyang pelikula, ay biglang nagbalik-tanaw.

“Sikat na aktres no’ng dekada 60 Luz Valdez,” wika ni RM.

“Iyan ang tunay, walang retoke,” kumento ni LL.

May mga nagsabi rin na kahawig siya nina Jennifer Lawrence at Loisa Andalio noong kabataan niya.

Mga imahe mula sa Facebook pages na Jennifer Lawɾence at Loisa Andalio

Sa huli, hinangaan ng marami ang katotohanan na hindi lang sa throwback photos nagniningning ang kagandahan ni Valdez kung hindi maging sa kasalukuyan, kahit pa may edad na.

Source :

Facebook

Loading...