Tiis ganda! ‘Gulay Girl’ ng Tagum City hinangaan sa pagtitinda ng gulay para sa mga anak

Image capture from Filipino News Facebook account

Kahanga-hanga ang isang netizen na tinawag na ‘Gulay Girl’ dahil sa kanyang paglalako ng gulay upang matustusan ang pangangailangan ng mga anak.

Si ‘Gulay Girl’ ay kinilalang si Ellen Galupan, 25, at mula sa Tagum City.

Ayon sa Filipino News Central Facebook account, single mom si Ellen at may tatlong anak.

Image capture from Filipino News Channel Facebook account

Sinisikap umano ni Ellen na libutin ang Tagum upang ilako ang kanyang mga panindang gulay.

Inspirasyon ni Ellen sa kanyang pagtitinda ang kanyang mga anak.

Kapansin-pansin din ang kagandahang taglay ni ‘Gulay Girl’. Talagang mapapabili ka rin sa mga gulay niya.

 Image capture from Filipino News Channel Facebook account

Hinangaan naman ng mga netizen ang sakripisyong ito ni Ellen para sa kanyang mga anak.

Image capture from Filipino News Channel Facebook account

Noong 2016 naman nang unang makilala ang 12-anyos na ‘Gulay Girl’ na si Marian na kahawig ng aktres na si Liza Soberano. Si Marian ay tubong Gordon Heights sa Olongapo City.

Samantala, nauna nang nag-viral sina ‘Badjao Girl’ Rita Gaviola at ‘Carrotman’ Jeyrick Sigmaton.

Loading...