[Videos] Mga lumang commercial ng shampoo, nagdala ng nostalgia

Mga imahe mula sa lumang commercials ng Rejoice

Kabisado mo pa rin ba ang lyrics at steps ng mga shampoo commercial songs na kinakanta at iniindakan mo noon?

Noong early 2000s, naging bahagi ng buhay ng television viewers ang mga mahahabang commercial kung saan may mga artista o modelo na kumakanta at sumasayaw habang ipinapakita ang magaganda nilang buhok. At kamakailan, tila ba na-miss ng isang Facebook user ang mga ito at ibinahagi niya sa kanyang account ang ilan.

“Batang 90’s/early-mid 2000 peeps, h’wag nang mahiya, isayaw mo na ‘yan! Rejoice pa rin talaga! Hahahahaha,” saad ni MJ Ansano sa kanyang post.

Kabilang sa mga ini-upload ni Ansano ang popular noon na kanta na may linyang “kinamay lang umayos na” o Instant Ayos. Tampok sa commercial na ito si Mish Maravilla; ang nagwagi sa Search for the Next Rejoice Star.

Imahe mula sa lumang commercial ng Rejoice

Kasama rin ang commercial ng “Jaboom Twins” na sina Jaja at Boom Boom Gonzales. Pagkatapos lumabas sa nasabing commercial, naging bahagi rin ng ilang shows — kabilang na ang hit series na Encantadia — ang kambal.

Imahe mula sa lumang commercial ng Rejoice

Kabilang din ang commercial na nagtampok sa isang Korean singer na si Dara, o mas kilala bilang Sandara Park, dito sa Pilipinas.

Imahe mula sa lumang commercial ng Rejoice

At siyempre, ang commercial ng Chinita Princess na si Kim Chiu, na noon ay isa pa lamang teenager.

Imahe mula sa lumang commercial ng Rejoice

Nagdala ng nostalgia at tuwa sa marami ang mga video sa nasabing post.

I-click ang imahe para mapanood ang mga video.