P3.757-Trilyon cash-based 2019 budget aprubado ni PRRD, Gabinete

Image capture from PH Informer's FB photo

Aprubado ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang Gabinete ang panukalang P3.757-Trilyon na nakalaang gugulin ng pamahalaan sa susunod na taon, ayon sa Philippine Star.

Sa isang text message mula kay Budget Secretary Benjamin Diokno na ipinadala sa Philippine Star, ipinaalam nitong “ok” sa pangulo ang kanilang iprinisintang 2019 national budget.

Simula 2019, batay sa proposal, babaguhin ang pagbibigay ng budget mula obligation-based patungong cash based upang matiyak na magugugol ng mga ahensya ang kanilang budget sa loob ng taon at maalis ang underspending.

Sa taunang cash-based appropriations, batay sa pahayag ng Department of Budget and Management (DBM), maaari lamang magkaroon ng contractual obligations at disbursements ang ahensya para sa mga serbisyong nagawa sa loob ng taon, at maaari lamang itong mapalawig sa loob ng tatlong buwan. Lilimitahan rin nito ang mga ahensya na mag-sumite ng budget proposals na magagawa pa sa mga susunod na taon.

“This shift is expected to quicken program delivery, as well as strengthen the focus and accountability of government as target outputs of government programs become more clearly linked to their appropriated budget,” the DBM added.

[Inaasahang mapabibilis ng pagbabagong ito ang paghahatid ng mga programa, at makatutulong upang palakasin ang pokus at pananagutan ng gobyerno na makita nang mas malinaw kung magkaugnay ang target ng pamahalaan sa inilaang badyet.]

Image capture from The Times, Kuwait’s FB photo

Isusumite ng tanggapan ni Diokno ang 2019 P3.757-Trilyon budget sa ika-23 ng Hulyo — ang araw na magbibigay ang pangulo ng kanyang talumpati ukol sa kalagayan ng bansa o SONA.