Maine Mendoza itinanghal bilang “Ultimate Asian Sweetheart of 2018”

Imahe mula sa Starmpmeter

Ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza ang itinanghal na “Ultimate Asian Sweetheart of 2018” sa katatapos lang na one-month online poll sa paghahanap ng 100 Asian Sweethearts of 2018 na isinagawa ng Starmometer (Your Total Entertainment Blog).

Ayon sa Starmometer, dinaig ni Maine ang mahigit 120 nominated celebrities mula sa iba’t ibang bansa sa Asia kabilang na ang ilang K-Pop stars, beauty queens, movie actresses, sports personalities , models at TV series stars.

Sa nasabing online at social media polls na ginawa sa Facebook, Twitter, Instagram at sa mismong website ng Starmometer, nakapagtala si Maine ng 1,485,312 votes sa semi-finals at 757,430 votes naman sa finals mula sa kanyang mga fans.

Pumangalawa kay Maine ang Thai actress na si Urassaya Sperbund na umani ng 401,867 votes sa finals.

Urassaya Sperbund ng Thailand,

Si Sanaya Irani ng India ang pumangatlo.

Sanaya Irani ng India

Pang-apat naman si  Jennie Kim ng South Korea.

Jennie Kim ng South Korea

Si Shen Yue ng China ang panglima.

Shen Yue ng China

Labingsiyam  na Pinay celebrities pa ang pumasok sa listahan ng 100 Asian Sweethearts of 2018 kabilang sina Kathryn Bernardo (6th place), Nadine Lustre (7th place), Angel Locsin (8th place), Maymay Entrata (11th place), Sarah Geronimo (15th place), Elisse Joson (16th place),  Kim Chiu (17th place), Janella Salvador (18th place), Bea Alonzo (19th place), Liza Soberano (31st place), Julia Barretto (33rd place), Anne Curtis (34th place), Maja Salvador (36th place), Pia Wurtzbach (41st place), Gabbi Garcia (45th place), Maureen Wroblewitz (49th place), Marian Rivera (58th place), Jennylyn Mercado (64th place), Rachelle Ann Go (75th place), and Heart Evangelista (92nd place).

 

Loading...